Optical shop, biniktima ng mga holdaper sa Antipolo

 

Isang optical shop malapit sa Junction ng Masinag sa Antipolo City ang pinasok ng tatlong armadong kalalakihan bago mag alas-dos, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa mga kawani ng optical shop, pagka-pasok ng mga naka-helmet na suspek agad na pinagbabasag ang mga display counter.

Gayunman, nakipag pambuno ang may ari ng shop na si Reynaldo Lima sa isa sa suspek dahilan para lumabas ang dalawa sa mga ito.

Tinangka daw na paputukan ng isa sa salarin ang may-ari pero sinunggaban ito ni Lima.

Sa kasamaang palad, pumutok ang baril ng suspek at tumama ang ligaw na bala sa isang traffic enforcer sa labas ng optical shop.

Ayon sa may-ari ng tindahan, bigoi ang mga suspek na makuha ang pera ng establismiyento.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorskilo patungo sa direksyon ng Cogeo, Antipolo City.

Read more...