Mga sundalo inutusan ng pangulo na limitahan ang bilang ng mga anak

duterte5
Inquirer file photo

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na magsanay ng family planning.

Sa kanyang pagsasalita sa taunang Dinner with AFP Council of Sergeants Major na ginawa sa Palasyo ng Malacañang ay sinabi ng pangulo na dalawa hanggang tatlong anak lamang ang dapat na maging supling ng mga sundalo.

Paliwanag ng pangulo, lubhang mapanganib kasi ang trabaho ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Tiyak aniya na kawawa ang mga misis kapag napatay ang isang sundalo sa bakbakan dahil maraming anak ang bubuhayin nito.

Pinabibigyan din ng tabaho ng pangulo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga biyuda ng sundalo.

Sinabi rin ng pangulo na gumagawa sila ng mga dagdag na mga paraan para madagdagan ang kita ng mga tauhan ng militar.

Read more...