DOH, babantayan ang pagpapaigting ng Reproductive Health Education

RH
INQUIRER FILE PHOTO

Pagtutuunan ngayon ng Department of Health ang pagpapaigting ng Reproductive Health Education at pagpapakalat ng kaalamang angkop sa edad ng mga mag-aaral.

Ito ay bilang tugon sa pahayag ng Department of Education na hindi sila makikibahagi sa pagpapakalat ng condoms sa mga eskwelahan.

Una nang sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, na iginagalang nila ang naging desisyon ng DepEd.

Sinabi nito na gaya ng napagkasunduan, mas pagtutuunan na lamang nila ng pansin ang pagpapakalat ng sapat na kaalaman sa reproductive health, bilang pinaka mabisang panlaban sa pagtaas ng bilang ng HIV cases, AIDS at teenage pregnancy.

Kaugnay nito, nananawagan pa rin ang DOH ng pakikiisa mula sa publiko dahil anila, ang laban kontra HIV transmission ay mapagtatagumpayan lamang, kung ang bawat isa ay may sapat na kaalaman tungkol dito.

Kamakailan ay naglabas na ng desisyon ang DepEd kung saan inihayag ng ahensya na hindi nila papayagan ang mungkahi ng DOH na mamahagi ng condoms sa mga estudyante.

Ayon sa DepEd, ang mga estudyante na nais bigyan ng DOH ng condom ay mga menor de edad pa lamang at kinakailangan ang parental consent pagdating sa naturang isyu.

Read more...