Desidido ang mga kongresista na kontrahin ang pagtatayo ng MRT/LRT common station sa North Avenue, Quezon City.
Ito’y kasunod ng kanilang isinagawang ocular inspection sa mismong lugar kaninang umaga.
Sinabi ni House Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na ‘most uncommon station’ ang pagtatayuan ng MRT/LRT common station dahil mahaba pa rin ang kailangang lakarin ng mga pasahero.
Kumpara aniya sa dating plano na itatayo sa SM Annex, kung saan hindi na kailangang maglakad ang mga pasahero kapag lilipat ng tren, dahil aakyat o bababa lamang ng isang level.
Ayon kay Castelo, sa kasalukuyang proposal na may Area A, Area B at Area C ay kakailanganing maglakas ng halos 100 meters ang mga commuter kapag lilipat ng tren.
Nakatikim din ng sermon mula sa mga mambabatas ang mga opisyal ng Department of Transportation o DOTr dahil hindi nakakikipag-ccordinate sa local government units o LGUs lalo na sa mga barangay na sasakupin ng itatayong common station.