Kabilang sa ipinagharap ng reklamong paglabag sa Corporation Code ay sina Rohit Jawa, Unilever Philippines Chairman and CEO at ang kasalukuyang Executive Vice President-Operations South East Asia; Jesus M. Canlapan, Unilever Phils. Manager for Workplace Services and Facitly Security; Alberto Curnelius Trinidad, Unilever’s Marketing Director for Close-Up; Joy Dalanon-Ocampo, Country Manager for Safety, Health and Environment; Procurement manager Melissa Alcayaga at Close-Up Assistant Brand Manager Bea Lagdameo.
Kabilang din sa inireklamo sina Michelle Suzanne Claire Quintana, Anna Kristina Doctolero, Baby Majalia Ahamadul, Senior accounts manager of Activation Advertising Inc., Reginald Soriano, Eduardo Muego, John Paul Demontano, may-ari at President ng HypeHouse Production Corporation at Alexis Engelberto Aragon, may-ari ng Delirium Manpower Services.
Nakasaad sa reklamo ng NBI , nabigo ang Unilever at ang event organizers na ikunsidera ang ilang mga factors sa kabila ng paghahanda nito sa kanilang security master plan at code red scenarios.
Nauna ng lumabas sa autopsy at toxicological examnination na positibo ang mga biktima sa designer drug na methylenedioxymethamphetamine o MDMA methylene homog at methylenedixy cathinone.