Cybersex den sinalakay sa Lucena City, Quezon; 7 katao, arestado

arrestedInaresto ng pulisya ang pitong katao na nasa loob ng isang bahay na ginawang cybersex den sa Lucena City, Quezon.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng pulisya ng Quezon, sinugod ng mga pulis ang dalawang-palapag na bahay sa Barangay Mayao Crossing kaninang ala-1:00 ng madaling-araw.

Habang isinasagawa ng mga pulis ang operasyon, nahuli ang mga suspek na nagsagsawa ng ‘sexual acts’ sa harap ng mga camera ng computer.

Karamihan sa mga kliyente ng mga ito ay mula sa Europa at Asya.

Kinilala naman ang operator nito bilang si John Lloyd Carlos.

Ani Armamento, sinusubaybayan na nila ang naturang cybersex den simula nang maupo siya sa pwesto noong Nobyembre.

Kinumpiska naman ng mga otoridad ang dalawang desktop computers na may camera, at ilang sex toys.

Read more...