Kinilala ang mga biktima na sina Napoleon Mahinay, ang driver ng van at tatlong taon gulang na bata na si CJ Senining.
Naitakbo pa sa Tuburan District Hospital si Mahinay pero idineklara rin na dead on arrival.
Lubha naman nasugatan ang tatlo pang pasahero ng van na nakilalang sina Victoria Senening, Margie Mahinay at Fancisca Senening.
Ayon sa Tuburan police, galing ng Mandaue City ang Ceres bus habang ang van naman at mula sa Tuburan na patungo naman sa bayan ng Tabuelan.
Sinabi naman ni Chief Inspector Rolan Alister, hepe ng Tuburan police, tumawid ang naturang van sa kabilang lane kung kaya ito bumangga sa makakasalubong na bus.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang insidente at kinukumpirma kung lasing o nakainom ba ang driver ng nasabing van.