Unilateral ceasefire ng CPP-NPA, binawi na

CPP NPA
CPP-NPA photo

Binawi na ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army-National Democratic Front of the Philippines ang idineklara nitong unilateral ceasefire.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Ka Oris, tagapagsalita ng NPA tatagal na lamang hanggang February 10, ganap na 11:59 ng gabi ang umiiral na ceasefire.

Ito ayon sa NPA ay dahil sa kabiguan ng pamahalaan na sumunod sa kasunduan nila.

Kabilang dito ang pagbibigay ng amnestiya at pagpapalaya sa mga political prisoners.

Ipaparating aniya nila sa gobyerno ngayong araw ang termination notice sa pamamagitan ng negotiating panel ng NDF.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Ka Oris na patuloy na susuportahan ng CPP at NPA ang negosasyong pangkapayapaan na isinusulong ng gobyerno at NDFP.

Matatandaang noong Agosto 2016, inanunsiyo ng administrasyong Duterte ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire bago pa man magsimula ang peace talks sa Oslo, Norway.

Read more...