Klase at trabaho sa Ateneo-Loyala Heights campus, tuloy pa rin sa kabila ng bomb threat

Bomb threat ADMU
Photo from ADMU’s Twitter

Binulabog ng bomb threat ang Ateneo de Manila University kaninang madaling araw.

Sa isang pahayag, sinabi ni ADMU President Fr. Jose Ramon Villarin na nakatanggap ng bomb threat ang Loyola Heights campus ng Ateneo bandang 5:35 ng madaling araw.

Pero sinabi ni Villarin na wala naman natagpuang bomba sa isinagawang inspeksyon sa buong unibersidad.

Pasado alas nueve naman ng umaga ay nagsagawa muli ng inspeksyon sa loob ng eskwelahan pero negatibo pa rin sa bomba.

Sa kabila ng bomb threat, tuloy pa rin ang klase at trabaho sa nasabing unibersidad.

Tiniyak naman ni Villarin na paiigtingin pa nila ang kanilang security measures pa rin masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante at empleyado.

Read more...