Maagang nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit Line 3 dahil sa technical problem.
Sa tweet ng MRT 3, nakasaad na pinababa ang mga pasahero sa Santolan Annapolis Station southbound bandang 5:04 ng madaling araw.
Umabot sa Category 3 ang service status, na nangangahulugan na tinanggal ang train nang walang kapalit.
Dahil dito, maraming pasahero ang maagang inabala ng naturang aberya.
Pero humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga pasahero.
Samantala, bandang alas otso ng umaga, nasa labing siyam na tren na ang operational.
MOST READ
LATEST STORIES