15-anyos na dalagita, nagwagi ng regalong evening gown ni Miss Bulgaria

 

FB/Violina Ancheva, Issay Gallano

May maswerte nang nakatanggap ng signature gown ni Miss Bulgaria.

Sa kanyang Facebook post, masayang ipinakita ng nagwagi na si Issay Gallado ang kulay asul na two-piece gown na isinuot ni Miss Bulgaria na suot na ng kanyang 15-anyos na anak.

Matatandaang pagkatapos ng Miss Universe coronation night, inanunsyo ni Miss Bulgaria Violina Ancheva ang kanyang hangaring iregalo sa isang maswerteng Pilipina ang kanyang isinuot na evening gown na gawa ng American designer na si Sherri Hill.

Dahil sa anunsyong ito, libu-libo ang nagpadala ng mensahe kay Ancheva na nagnanais na maregaluhan ng naturang damit.

Todo-pasasalamat naman si Gallano sa kabutihang ipinakita ni Ancheva sa kanya at sa mga Pilipino.

Read more...