Patayan sa mga lansangan nagsimula na naman, 2 bumulagta sa Pasig sa magdamag

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawa katao ang magkasunod na pinagbabaril ng dalawang riding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Manggahan, Pasig bago maghatinggabi ng Martes.

Unang napatay si Joven Bunaga, 27, na nakatakbo pa sa loob ng bahay pero sinundan pa rin ito ng mga armadong kalalakihan at saka pinagbabaril sa ikalawang palapag ng bahay sa Katimugan St., Karangalan Village Brgy. Manggahan.

Pagkatapos magawa ang krimen agad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Aminado naman ang pamilya ng biktima na dating gumagamit ng bawal na gamut si Joven pero matagal na umano itong nagbago.

Ilang minuto lang ang lumipas patay din si Peter Cruz, 20 matapos na pagbabarilin habang may Guyabano St., Napico Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ayon sa ina ng biktima habang nagbibiseklta ang kanyang anak sa may Guyabano St. nilapitan siya ng dalawang riding-in-tandem saka binaril hanggang sa mapatay.

Read more...