3 umano’y sympathizers ng ISIS, naaresto sa Malaysia

 

Nasukol ng mga pulis sa Malaysia ang tatlong lalaki na hinihinalang may ugnayan sa Islamic State group.

Ayon kay Khalid Abu Bakar, inspector-general ng kanilang pulisya, nahuli ang tatlong suspek sa tatlong magkakahiwalay na raids mula January 27 hanggang 29.

Nakakumpiska ang mga pulis ng shotgun at isang air rifle sa mga nasabing raids.

Hindi na tinukoy ni Khalid ang mga suspek, ngunit ang sinabi lang niya na isa sa mga ito ay 38-anyos na Malaysian na unang nag-post ng kaniyang plano na pambobomba sa Kuala Lumpur sa kaniyang Facebook page.

Indonesian naman ang isa pang suspek, pero ito ay may Malaysian residency at nagtatrabaho bilang security guard sa Malaysian Airlines, habang Malaysian rin ang isa pa na pinaniniwalaang nagbabalak umanib sa Islamic State sa Syria.

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong may kinalaman sa hinihinalang pagkakasangkot sa terorismo.

Mula 2013 hanggang 2016, nakahuli ang Malaysia ng mahigit sa 250 katao dahil sa umano’y pagiging konektado sa Islamic State group.

Read more...