5 Abu Sayyaf patay, 9 iba pa sugatan sa bakbakan sa Sulu

 

Inquirer file photo

Limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group ang napatay, habang sugatan naman ang siyam na iba pa kabilang ang dalawang sundalo sa magkahiwalay na bakbakang naganap sa Sulu kahapon.

Ayon sa pinuno ng Western Mindanao Command na si Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., naganap ang mga engkwentro sa Brgy. Pugad Manaul sa Panamao, Sulu.

Aniya, naka-engkwentro ng mga sundalo ang grupo ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ni sub-leader Alhabsy Misaya.

Una aniyang nagkaroon ng 30 minutong bakbakan at umatras ang mga kidnappers.

Gayunman, pagkatapos nito ay panibagong grupo naman ang naka-engkwentro ng mga sundalo na tumagal ng 45 minuto.

Read more...