Walang napatay dahil sa droga sa nakalipas na magdamag

patay july 23
FILE PHOTO

Walang naitalang napatay dahil sa iligal na droga sa buong Metro Manila sa nakalipas na magdamag.

Ito ay matapos ipatigil muna ng Philippine National Police ang kampanya kontra sa iligal na droga para pagtuunan ang pansin ang pagpuksa sa mga police scalawags.

Dahil dito, agad na itinigil ang mga buy bust operation gabi-gabi sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na kadalasan ay nauuwi sa pagkasawi ng ilang drug suspek.

Kahapon, ipinag-utos ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na itigil muna ang war on drugs at mag-focus sa paglilinis sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Kasabay pa nito, binuwag ang Anti-Illegal Drugs Group ng PNP dahil sa umano’y tiwaling pulis.

Nag-ugat ang pagbuwag sa AIDG matapos dukutin ang patayin ng ilang pulis sa loob mismo ng Camp Crame ang Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Lubhang ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng PNP ang ginawang pagpaslang sa South Korean businessman na naperahan pa umano bago tuluyang patayin.

Read more...