Australia, exempted sa travel ban ng US

AustraliaHindi maaapektuhan ang mga Australian dual-national ng executive order ni US President Donald Trump na haharang sa mga dayuhan mula sa pitong Muslim countries na makapasok sa Amerika.

Ito ay matapos magkasundo ang Australia at US na i-exempt ang mga Australia citizen sa travel ban.

Ayon kay Prime Minister Malcolm Turnbull, lahat ng Australian passport holder ay maaari pa rin makabiyahe sa US kahit pa mayroon nang executive order.

Malugod pa rin aniyang tatanggapin sa US ang mga Australian national kahit pa sila ay dual citizens.

Bukod sa Australia, exempted din sa travel ban ang mga dual citizens ng Canada at United Kingdom.

Sa pinirmahang EO ni Trump, pinipigilan ang pagpasok sa Amerika ng mg dayuhan mula sa Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria at Yemen sa loob ng 90 days.

Bukod dito, nakasaad din sa nasabing EO ang pagpigil sa mga refugee na makapasok sa US sa loob ng 120 days at indefinite ban naman sa mga refugee na mula sa Syria.

Read more...