Diesel, may taas-presyo simula ngayon

 

Magpapatupad ng bahagyang pagtataas sa presyo ng kada litro ng diesel ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa anunsyo ng Shell at Petron, epektibo alas-6:00 ng umaga ay magdadagdag sila ng P0.25 sentimo sa halaga ng kada litro ng kanilang diesel, habang sa Flying V naman ay nagsimula na kanina pang hatinggabi.

Huling gumalaw ang presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo kung saan tumaas ng P0.60 ang halaga ng kada litro ng gasolina.

Samantala, inaasahan namang magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG) pagpasok ng buwan ng Pebrero.

Tinatayang aabot ito sa P4.50 hanggang P5.00 kada kilo, na magreresulta ng P49 hanggang P55 na dagdag sa halaga ng LPG tank.

Read more...