Misis ni Robin Padilla na si Mariel, nakunan

inquirer.net file photo

Nakunan muli ang maybahay ng Action Star na si Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sa Facebook Messenger alert ng aktor, kinumpirma nito na nag-suffer ng miscarriage ang actress-TV host na nagdadalantao ng triplets.

Ayon naman sa Manager ng mag-asawa na si  Betchay Vidanes,  nangyari ang ‘miscarriage’ dakong alas 6:30 ngayong gabi.

Humihingi naman ng panalangin ang mag-asawa para sa kanilang naunsyaming mga anak.

Nito lamang March 16 unang nakunan  ang TV Host-actress.

Una na ring nag-backout sa kanyang movie project si Binoe dahil sa nais nitong asikasuhin ang pagdadalantao ng triplets ng kanyang misis.

Katambal sa naturang proyekto ni Robin ang dating Japanese Adult Video Star na si Maria Ozawa. / Jay Dones

Read more...