Higit 7,000 Pinoy, ipadedeport mula Sabah sa susunod na buwan

 

Nasa 7,000 mga Pinoy na nasa Sabah na nauna nang inaresto ng mga otoridad ang nakatakda nang i-deport pabalik sa Pilipinas simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ito ang dahilan kaya’t kanya nang pinakikilos ang mga tauhan ng DSWD sa Zamboanga Peninsula (Region IX) at Autonomous region in Muslim Mindanao upang matulungan ang mga made-deport na mga Pinoy.
Nakatanggap na siya aniya ng impormasyon na inaayos na ng Malaysian authorities ang mass deportation ng mga ‘undocumetend migrants’ na nasa Sandakan, Sabah.

Nangako naman ang DSWD na agad na bibigyan ng ayuda ang mga Pinoy sa sandaling makabalik na ang mga ito sa bansa.

Una rito, nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Najib Razak noong November na ‘unti-untiin’ ang pagpapabalik sa bansa ng mga undocumented na Pilipino na namamalagi nang walang mga kaukulang papeles sa Sabah.

Read more...