Founder ng sikat na larong ‘Pac-Man’ pumanaw na

 

Mula sa Youtube

Sumakabilang-buhay na ang founder ng sikat na video game na ‘Pac-Man’ na si Masaya Nakamura sa edad na 91-anyos.

Si Nakamura ang founder ng Nakamura Amusement Machine Manufacturing Company o Bandai Namco na nag-develop at nag-release ng naturang video game noong 1980.

Dahil sa naturang laro, ginawaran si Nakamura ng Order of the rising Sun na isang mataas na pagkilala sa Japan noong 2007.

Taong 2010, napabilang rin si Nakamura sa International Video Game Hall of Fame.

Taong 2016 naman nang kilalanin bilang highest-grossing arcade game of all time ng website na US Gamer ang ‘Pac-Man’.

Read more...