1 nawawala sa malaking sunog sa Las Piñas City

Las-Pinas-Richard
DZIQ photo

Umabot sa Task Force Echo ang sunog na tumupok sa isang residential area sa satima villagea sa Las Piñas City.

Nagsimula ang sunog 1:23 ng hapon sa bahay ng isang Joselito Nieves sa kahabaan ng Simeon street at agad na  kumalat ang sunog dahil pawang mga gawa sa mga light materials ang mga bahay sa lugar.

Ayon kay Bureau of Fire Protection – National Capital Region Director Kwan Tiu, nasa 100 na mga bahay ang natupok ng sunog at 300 pamilya ang naapektuhan.

Dalawa ang nagtamo ng minor injury.

Kinilala ang dalawa na sina Ronaldo Lamanilai na nagtamo ng sugat sa labi at Armel Castillo na nagasgas ang kanang tuhod.

Kinukumpirma naman sa isinasagawang mopping-up operation ng BFP ang ulat na may naiwan na bata sa isa sa nasunog na bahay.

Umabot ang sunog sa Task Force echo bago idineklara na under control ganap na 3:23 ng hapon.

Read more...