Misis ng pinatay na Korean national personal na kakausapin ni Duterte

Jee wife
Inquirer file photo

Nakatakdang makapulong ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang biyuda ng dinukot at pinatay na Korean national na si Jee Ick Joo.

Kasama ni Mrs. Choi Kyung-Jin na makikipagpulong sa pangulo si South Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae-Shin. I

Inaasahang hihilingin ng biyuda sa pangulo ang katarungan para sa kanyang nasawing asawa at maparusahan ang mga responsable sa krimen.

Kagabi ay hindi naitago ni Duterte ang kanyang galit sa nangyaring insidente dahil mga miyembro ng Philippine National Police ang sangkot sa krimen.

Bagaman humingi na ng paumanhin si Pangulong Duterte sa South Korean government sa sinapit ng negosyante ay kanya namang sinabi na nagdulot ito ng malaking kahihiyan sa bansa.

Kaninang umaga ay binuwag na ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang buong pwersa ng Anti-Illegal Drugs Group dahil sa pagkakasangkot ng ilan nilang tauhan sa nasabing pagdukot at pagpatay kay Jee.

Nangako rin si Dela Rosa na mananagot ang mag pulis na nasa likod ng naturang krimen.

Read more...