Ito ay may kaugnayan sa paghinto ng war on drugs ng PNP at pagfocus naman ngayon sa war on scalawags o pagtutok sa internal cleansing sa kanilang hanay.
Epektibo ngayong araw ay dissolve na ang lahat ng anti-narcotics units ng PNP partikular na ang PNP-Anti-Illegal Drugs Group na nasa frontline ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Bato, sa ngayon, pangungunahan ng PDEA o Phil Drug Enforcement Agency ang pagtugis sa mga drug lords at mga drug suspects habang nakatutok ang PNP sa paglilinis ng kanilang bakuran.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat simulan ang paglilinis sa loob ng PNP makaraang lumutang ang pagkakasangkot ng ilan sa “tokhang for ransom”.
Noong nakaraang Sabado ay nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation sa pangulo si dela Rosa pero hindi niya ito tinanggap.