Maxine Medina ipinagtanggol ni Sen. Grace Poe

Grace-Poe-1
Inquirer file photo

Sinabi ni Sen. Grace Poe na kapuri-puri ang performance na ipinakita ni Miss Philippines Universe Maxine Medina bagaman hindi niya nasungkit ang korona sa Miss Universe beauty pageant.

Giit ni Poe na malaking karangalan na rin ang mapabilang ang pambato ng bansa sa top 6 ng annual beauty pageant.

Dagdag pa ng mambabatas na naipakita naman ni Medina sa buong mundo ang natatatanging ganda at personalidad ng isang Filipina kaya’t sinabi ni Poe na sa puso ng bawat Pinoy ay panalo pa rin ang ating pambato.

Nauna dito ay inulan ng batikos mula sa ilang netizens ang umano’y hindi impresibong sagot ni Medina sa katatapos na beauty pageant.

Sinabi naman ng ilang tagasuporta ni Medina na matindi ang pinagdaanang pressure ng pambato ng bansa dahil sa Pilipinas ang ginanap ang nasabing event dagdag pa na si Pia Wurtzback ang nanalo sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon.

Read more...