Panahon sa Metro Manila, magiging maaliwalas ngayong araw, ayon sa PAGASA

Ngayong araw ng pinaka-aabangang coronation para sa 65th Miss Universe magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, isang Low Pressure Area (LPA) ang kanilang binabantayan sa 330 kilometers South Southwest ng Puerto Princesa City sa Palawan o nasa bahagi na ng West Philippines Sea.

Habang mayroong tail-end ng cold front na naka-aapekto sa Eastern section sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, sa Palawan lamang magiging maulan ang panahon at makararanas ng moderate hanggang malakas na buhos ng ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.

Habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng PAGASA sinabi ng PAGASA na isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan.

Wala pa ring ibang sama ng panahon na namamataan ang PAGASA sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...