Ang emergency order na inilabas ni US District Judge Ann Donnelly ng New York ay bunga ng inihaing petisyon ng grupong American Civil Liberties Union na humihiling na ipagitigil ang pagpapa-iral ng kautusan ng bagong pangulo ng Amerika.
Una rito, nagkaroon ng kaguluhan sa mga paliparan sa Amerika makaraang pigilin at idetine ang mga dayuhang nagmula sa pitong Muslim countries na binanggit ni Trump.
Partikular na tinarget ng kautusan ang mga dayuhan mula sa mga bansang Iraq, Syria, Iran, Sudan, Libya, Somalia at Yemen na tatagal ng 90-araw.
Ayon kay Trump, layunin ng kanyang executive order na pigilang makapasok sa Amerika ang mga ‘radical Islamic terrorists’.
Umabot sa 109 katao ang pinigil ng Department of Homeland Security (DHS) na makapasok matapos lumapag sa US airport dahil sa kautusan ni Trump.