Sa kaniyang pagharap sa media kaninang madaling araw, sinabi ng pangulo na nakikita niyang nakakayanan pa naman ng mga ahensya ang ipatupad ang batas kahit walang martial law.
Sa ngayon aniya ay pinag-iisipan niya pa ang pagpapatupad nito, pero oras aniya na ang mga tao na ang manghingi ay ibibigay niya ito.
Ngunit dagdag ng pangulo, hindi pa niya nakikitaan ng dahilan para gawin ito dahil nakakagalaw pa naman ang mga tagapagpatupad ng batas at nagagawa pa rin naman nila ang kanilang mga tungkulin.
Samantala, sa halip na i-asa lang sa mga pulis, inatasan ng pangulo ang mga militar na mas pagtingin ang pagtugis sa mga terorista at nagdudulot ng gulo sa Mindanao.
Kulang rin aniya ang mga pulis sa Basilan at Lanao, kaya target niyang mas paigtingin ang presensya ng mga pulis sa mga nasabing lugar kung saan naroon ang mga terorista partikular na si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf na kasalukuyang nasa Lanao del Sur.