Tingnan: Mga kandidata at bisita, kuminang sa Miss Universe Red Carpet event

 

Napuno ng kinang ang ika-65th Miss Universe Red Carpet event na ginanap ngayong gabi.

Isa-isang dumating ang mga kandidata sa event na dinaluhan rin ng mga kilala at prominenteng personalidad sa iba’t ibang larangan.

Naging maningning naman si 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach na dumating suot ang kulay pulang gown.

 

 

Masayang nagpakuha ng kanyang mga larawan si Miss Pia kasama ang ilang mga media at bisita.

Dumating rin sa event ang grupong ‘Boyz II Men’ na nakatakdang mag-perform sa Miss Universe Coronation night sa Mall of Asia Arena sa bukas ng umaga.


Read more...