Dating radio commentator, patay sa pananambang sa Cavite

tanza-cavite-mapPatay ang isang dating radio commentator habang sugatan naman ang asawa nito sa naganap na pananambang sa Tanza, Cavite hapon ng Sabado.

Kinilala ang National Union of Journalists of the Philippines ang biktima na si Benito Flores Camosa, 65 taon gulang.

Ayon sa pulisya, nakasakay si Camosa sa isang owner-type jeep kasama ang kanyang asawa nang atakihin ng mga armadong lalaki sa Barangay Daan Amaya 2 sa Tanza.

Naganap ang insidente bandang 1:20 ng hapon.

Binawian ng buhay si Camosa habang dinadala sa ospital.

Ang asawa naman ni Camosa na si Irenea, 71 years old ay tumamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang binti.

Nabatid na dating commentator si Camosa sa Star Family Radio simula 1995 hanggang 1997.

Nagsilbi din bilang barangay tanod si Camosa sa Barangay Bagtas sa Tanza noong 2013.

Read more...