Ayon sa isang opisyal ng Department of Homeland Security, kasama sa bagong executive order na pinirmahan ni US President Donald Trump ang pagpigil sa mga green card holders na nakaalis na sa US pero may planong bumalik.
Sa nasabing bagong EO, haharangin nito na makapasok sa US ang mga tao na mula sa pitong Muslim countries.
Ang green card ay ang magsisilbing susi para maging isang legal permanent US resident ang isang tao.
Pero agad naman nilinaw ng isang senior official ng White House ang naturang utos at sinabi na papayagan naman makabalik ang lahat ng green card holders sa US basta sumailalim lamang sa karagdagang screening.