Ito ay makaraang ihain ng piskalya ang kasong kidnapping laban kay Matobato at sa isang Sonny Custodio dahil sa umano’y pagdukot sa hinihinalang terorista na si Sali Muck Doom, labimpitong taon na ang nakakalipas.
Ang kaso ay inihain sa Panabo Regional Trial Court sa Davao Del Norte.
Nabatid na sa resolusyon ni Prosecutor Joseph Apao ng Island Garden City of Samal, may probable cause para iakyat sa korte ang reklamo.
Walang pyansa na inirekumenda ang piskalya para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Mirasol Marquez, live in parter ni Muck Doom na dinukot nuong November 9, 2000.
MOST READ
LATEST STORIES