DOLE, pinag-iisipan ang pagkakaroon ng deployment ban sa mga household service workers sa Kuwait

dole-logoPinag-iisipan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pagkakaroon ng deployment ban sa mga household service workers (HSW) sa Kuwait kasunod ng pagbitay sa Pilipinong domestic helper na si Jakatia Pawa dahil sa umanoy pagpatay nito sa anak ng kanyang amo.

Ayon kay Bello, seryoso niya kinukunsedera ang pagkakaroon ng deployment ban pero aniya kukuha siya ng mga inputs sa mga stakeholders lalo na sa mga OFWs (overseas Filipino workers).

Dagdag pa niya na kailangan niya ito pag-aralan ng mabuti dahil sa “timing” ay baka isipin ng Kuwaiti government na isa itong retaliatory act” ng Pilipinas.

Personal na nagtungo si Bello sa Kuwait para sa kaso ni Pawa at ng Pilipinong si Elpidio Lano na nahatulan ng kamatayan dahil sa umanoy pagpatay nito sa kapwa Pilipino na si Nino Macaranas noong June 17, 2014.

Sinabi rin ni Bello na kanyang napag-alamanan na pumunta rin sa Kuwait si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para mamagitan sa kaso ni Pawa ngunit nabigo ito.

Kaugnay nito, galit na galit ang kalihim sa labor attaché sa Kuwait dahil sa hindi pagbibigay alam nito sa kanya ng kaso ni Pawa bago ito bitayin.

 

Read more...