2 pagsabog naganap sa Lamitan City, Basilan

inquirer.net file photo

Kinumpirma ni Lamitan City Vice Mayor Orick Furigay na may naganap na dalawang pagsabog sa Calle Flores at Visaya.

Wala pang naiuulat na nasaktan o motibo sa naturang insidente.

Ayon kay Furigay ang nasabing mga pagsabog ay sanhi ng improvised explosive devices.

Kaugnay nito, pinaniniwalaan na tinanim ng isang urban terrorist group na may kaugnayan sa Abu Sayyaf.

Sa kasalukyan ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa naging pagsabog sa lungsod.

 

 

 

 

Read more...