Serena Williams, naitala ang kanyang 23rd Grand Slam singles title

AP PHOTO

Naitala ni Serena Williams ang kanyang record na 23rd Grand Slam singles title matapos niyang talunin ang kanyang nakakatandang kapatid na si Venus sa Australian Open finals.

Sa kanyang ika-pitong Australian title ay nalagpasan na ni Williams si Steffi Graf sa pagkakarooon ng pinakamaraming major titles sa Open era.

Dahil sa panalo ni Williams sa Rod Laver Arena, sigurado na muli niyang makukuha ang top ranking matapos na maagaw ito sa kanya pagkatapos ng 186 straight weeks ng manalo si Angelique Kerber sa U.S. Open.

Matapos ang laban ay lumapit si Venus patungo kay Serena kung saan nagyakapan ang dalawang magkaptid.

Ayon kay Williams naging mahirap ang naging laban at kanya ring pinasamalamatan ang kanyang kapatid na si Venus dahil aniya hindi niya maabot ang tagumpay na ito kung hindi dahil dito na kanyang inspirasyon.

Read more...