Sushmita Sen, sinabing nakikita niya ang kanyang sarili kay Pia Wurtzbach

SCREENGRAB FROM SUSHMITA SEN’S INSTAGRAM ACCOUNT

Nakikita ni Miss Universe 1994 Sushmita Sen ang kanyang sarili kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Aniya excited na siyang makita ang reigning Miss Universe.

Ayon pa kay Sushmita na naalala niya ang kanyang sarili kay Pia dahil sa pagiging totoo, very well-spoken at pagkakaroon ng puso nito.

Naging emosyonal si Sushmita sa pagdatiing niya sa bansa dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga Pilipino.

Sinabi pa ng Miss Universe 1994 na si Pia ang kanyang bet noong Miss Universe 2015 na manalo.

Kaugnay nito, nagbigay siya ng payo sa mga kandidata na huwag silang matakot na ipakita ang kanilang totoong pagkatao.

Read more...