Tiniyak ng Malacañang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maisalba ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa death row.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nakatutok ang Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment sa kaso ng mga ito.
Dagdag ni Abella, ipinaglalaban pa rin ito ng gobyerno bagaman magkakaiba ang sitwasyon ng bawat kaso.
Aniya, mga de kalibreng abogado ang humahawak sa mga kaso ng mga Pilipinong nasa death row.
Ayon sa DFA, nasa 88 na mga OFWs ang nasintensyahan ng kamatayan sa ibang bansa.
Tiniyak naman ni Abella na hindi pinapabayaan ng pamahalaan ang mga Pinoy sa ibang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES