LPA, inaasahang malulusaw sa Mindanao ngayong araw

Pagasa1Inaasahan ng PAGASA na malulusaw ngayong araw ang low pressure area sa bahagi ng Mindanao.

Hindi direktang sakop ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA pero umaabot sa Mindanao ang extension nito at nagdudulot ng ulan.

Ayon sa PAGASA, nagpapahina sa LPA ang malamig na hanging amihan na nanggagaling sa hilagang bahagi ng bansa.

Samantala, malakas pa rin ang northeast monsoon na nararanasan sa malaking bahagi ng Luzon.

Dahil dito, asahan ang malamig na temperatura tuwing madaling araw at posible rin ang biglaang ulan at makulimlim na papawirin.

Read more...