Steve Harvey dumating na sa bansa, gustong mag-sorry sa mga Pinoy

Steve Harvey2
Photo: Solar, DOT, Miss Universe

Sakay ng isang pribadong eroplano ay dumating sa bansa kaninang alas-nueve ng umaga ang Miss Universe pageant host na si Steve Harvey.

Si Harvey ay sinalubong ng mga Tourism officials sa pangunguna ni DOT Asec. Ricky Alegre at ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na isa sa mga organizing committee officials ng 65th Miss Universe beauty pageant.

Nauna nang sinabi ni Harvey na gusto niyang personal na humingi ng paumanhin sa mga Pinoy makaraan siyang magkamali sa pagtawag sa nanalong Miss Universe noong 2015 na napanalunan ni Pia Wurtzbach.

Sinabi naman ni Wurtzbach na walang dapat ikabahala si Harvey dahil hindi naman galit sa kanya ang mga Pinoy.

Sa Lunes, January 30 alas-otso ng umaga at magsisimula ang coronation day para sa Miss Universe pageant na pwede ninyong tutukan sa Inquirer 990 TV at www.radyo.inquirer.net.

 

Photo: Solar, DOT, Miss Universe

 

Read more...