British actor John Hurt, pumanaw sa edad na 77

Photo courtesy: BBC America
Photo courtesy: BBC America

Namatay na ang beteranong British actor na si John Hurt.

Sa edad na pitumput pito, binawian ng buhay ang aktor dahil sa sakit na Pancreatic cancer.

Sa kabila ng sakit, bahagyang bumuti ang kundisyon ni Hurt pero hindi pa rin nawala ang kanyang sakit.

Nakilala si Hurt sa mga pelikulang “Alien,” at “The Elephant Man.”

Lumabas din siya sa Harry Potter movies at huli siyang mapapanood sa pelikulang “That Good Night at my Name is Lenny.”

Inulila ng aktor ang kanyang misis na si Anwen at dalawang anak na si Alexander at Nicholas.

Read more...