70 katao, arestado sa “Oplan Pokemon” anti drug operation sa Cebu City

Oplan Pokemon CebuArestado ang mahigit sa pitumpu katao sa “one time bigtime” anti drug operation sa Cebu City.

Ang nasabing operasyon ay tinawag na “Oplan Pokemon” kung saan labing-isang pulis ang sumama sa pag-galugad.

Sa pitumput anim na na-aresto, nasa limamput lima ang may kinalaman sa iligal na droga habang ang labing-anim ay may kaugnayan sa illegal gambling at apat ay arestado dahil sa illegal possesion of firearms.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 32 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng apat na raang libong piso.

Ayon sa Cebu City police, gagawin nilang linggo-linggo ang “Oplan Pokemon.”

Read more...