Kaso vs Napeñas at Purisima, hahawakan ng Sandiganbayan 4th Division

INQUIRER FILE PHOTO / RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO / RAFFY LERMA

Hahawakan ng Sandiganbayan Fourth Division ang kasong katiwalian at pang-aagaw ng public functions cases laban kina dating PNP chief Alan Purisima at dating Special Action Forces Director Getulio Napeñas Jr kaugnay sa madugong Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 SAF commandos dalawang taon na ang nakakalipas.

Bumagsak sa naturang dibisyon ang kaso matapos ang magsagawa ng raffle ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.

Matapos lumabas ng resulta ng raffle, agad na dinala ang impormasyon sa kaso kala Fourth Division Presiding Justice Alexander Quiros, Justice Geraldine Faith Econg at Justice Renaldo Cruz.

Bibigyan naman ng sampung araw ang mga mahistrado upang pag-aralan kung may makikitang probable cause sa kaso bago maglabas ng warrant of arrest.

Samantala, nagsampa ng kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan matapos ang dalawang taong imbestigasyon sa malagim na Oplan Exodus.

Read more...