Suporta ng pangulo sa mga pulis, hindi magbabago ayon sa Palasyo

pnpNaniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi na kailangan na baguhin o i-repackage pa ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kampanya kontra sa illegal na droga, kung saan todo suporta ang chief executive sa mga pulis.

Ito ay kahit na umaabuso na ang mga pulis at nasasangkot sa kalokohan gaya na lamang ni Spo3 Ricky Sta. Isabel na responsable umano sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.

Paliwanag ni presidential spokesman Ernesto Abella, malinaw naman ang mensahe ng pangulo na suportado niya ang mga pulis kapag tumutupad sa kanilang tungkulin.

Gayunman, tiyak namang magdurusa at mananagot sa batas ang mga puis na gumagawa na ng kalokohan.

Ayon kay Abella, magkaiba ang kaso ni Sta. Isabel sa kaso ng grupo ni Supt. Marvin Marcos ng Criminal Investigation Detection Group Region 8 na nakapatay sa hinihinalang protector ng mga drug suspects na si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Matatandaang pinaniwalaan pa ng Pangulong Duterte ang bersyon ng grupo ni Marcos kaysa sa nagging findings ng National Bureau of Investigation na nagsasabing sinadyang pinatay si Espinosa at hindi nanlaban sa mga pulis.

Read more...