Gaya ng kanyang mister, handa din si Jinky Sta. Isabel na magpakulong ng hanggang anim na taon dahil sa paglabag sa anti-wiretapping law.
Sa pagharap ni Jinky sa mga mamamahayag, umapela ito na payagan na sila sa Senado na maiparinig sa pagdinig ang mga audio recordings sa cellphone para patunayan na nagsasabi ng totoo ang kaniyang mister ukol sa bintang na pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.
Samantala nilinaw din ni Jinky na maliban sa mga abogado nila mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ay wala na silang abogado.
Aniya pa, hindi nila.kinukuha bilang abogado ang isang Atty Alejandro Pallugna na nagawa nang magsumite sa Angeles City Regional Trial Court branch 58 ng entry of appearance as collaborating counsel na pirmado naman ni Sta. Isabel.