Tugon ito ng Palasyo sa batikos ng mga koreano sa pangulo na nagsasabing “diplomatic disrespect” umano ang ginawa ng pangulo nang dumalo pa ito sa birthday party ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa halip na kastiguhin ito dahil sa pagkakasangkot ng mga pulis sa pagpatay kay Jee.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng mga South Koreans at talagang nasaktan sila sa nangyayari.
Ayon kay Abella, ang mahalaga rito ay humingi na ng paumanhin ang Pangulong Duterte.
“Well, we understand where the South Koreans are coming from. They feel deeply about it. And the President has also expressed his deepest and profoundest apologies,” ani Abella
Dapat din daw unawain na ang komento ay galing sa pulitikong nangangampanya sa South Korea kaya malamang may kaakibat itong interes.