Mahigit 9,000 na “undesirable aliens,” hinarang ng BI noong 2016

HUMAN INTEREST                     JANUARY 3, 2015         Bureau of Immigration               INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
HUMAN INTEREST JANUARY 3, 2015 Bureau of Immigration INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Umabot sa 9,738 ang kabuuang bilang ng mga “undesirable aliens” na hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa sa taong 2016.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hinarang nila ang mahigit 9,000 na dayuhan sa iba’t ibang port of entry sa bansa noong nakaraang taon sa paglalayong mapigilan ang pagpasok ng mga “undesirable” o “fugitive aliens.”

Ito aniya ay bahagi ng kanilang mga mas pinaigting at pinahigpit na border security laban sa mga undesirable at fugitive aliens.

Mas mataas naman ng 45 percent ang naitalang bilang noong nakaraang taon, kumpara sa naitalang bilang ng mga dayuhang hinarang noong 2015.

Sa nabanggit na 9,738 na dayuhan, 2,034 dito ay pawang mga Chinese, 269 na mga Indians, 179 na Vietnamese, 163 na Amerikano at 119 na Indonesians.

Karamihan sa mga hindi tinanggap na dayuhan ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport, habang ang iba naman ay sa iba pang mga international airports sa Mactan, Clark, Kalibo, Iloilo at Davao.

Kabilang sa mga hinarang na dayuhan ay pawang mga kasama sa blacklist nila tulad ng mga pugante, hinihinalang terorista at mga convicted sex offenders.

Read more...