Tugon ito ng Palasyo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na nagsasabing 84 percent ng mga Filipino ang nagsasabing kailangan na igiit ng Pilipinas ang karapatan sa West Philippine Sea.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, “soft landing” o sa pamamagitan ng diplomasya ang gagamiting pamamaraan ng Pangulong Duterte, pero palaban.
Sa katunayan ay sinabi ni Abella na mas pinili ng pangulo na magkaroon ng bilateral talks sa gobyerno ng China.
Pagtitiyak pa ni Abella, hindi isusuko ng pangulo ang claims nito sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Gayunman, aminado si Abella na nakadidismaya ang ginawa ng China nang magsagawa ito ng reclamation activity sa tatlong isla pati na ang kanilang presensya sa Scarborough shoal.