Ayon kay Duterte hindi dapat hayaan ang Maute at iba pang teroristang grupo na magpakanlong sa kanilang mga kampo.
Aniya, kapag kanila itong kinanlong ay mapipilitan silang habulin ang mga teroristang grupo na ito sa kanilang nasasakupan.
Dagdag pa ni Duterte na hindi na niya kayang mapigilan ang kanyang tinawag na “ISIS contamination”.
Binigyang-diin ng Pangulo na gusto niya ang pagkakaroon ng kapayapaan.
Matatandaang nitong Huwebes na kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinontak ng Islamic State (ISIS) sa Syria si Abu Sayyaf senior leader Isnilon Hapilon noong December 2016.