Ang kaso ay isinampa noong January 19 sa Panabo City Regional Trial Court (RTC), o halos isang buwan matapos makitaan ng probable cause ni City Prosecutor Joseph Apao ang reklamong kidnapping laban kina Matobato at kapwa akusadong si Sonny Custodio.
Si Matobato at Custodio ang inaakusahang dumukot at pumatay sa umano’y teroristang si Salih Muck Doom noong November 9, 2000.
Naganap ang krimen sa Island Garden City of Samal.
Nagsilbi namang complainant sa sa kaso ang live-in partner ni Muck Doom na si Mirasol Marquez.
Sa kasong isinulong ng piskalya walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.
Ang pangalan ni Muck Doom ay nabanggit sa pagdinig ng senado kaugnay sa mga insidente ng pagpatay na nagaganap sa bansa.
Inamin ni Matobato ang pagdukot kay Muck Doom na aniya ay kalaunan ay pinatay din at ibinaon sa isang quarry site sa Davao.