Lalaking nasa drug watchlist, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Tondo, Maynila

 

File photo

Dead on the spot ang isang hinihinalang drug pusher matapos manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa N. Zamora St., Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, nagpanggap na bibili ng shabu ang isang ‘asset’ ng mga pulis mula sa suspect na si Mario Arante, 51-anyos.

Nang matanggap na ng suspect ang marked money na halagang dalawang daang piso, nag-deklara na ang mga pulis na aarestuhin ito.

Sa halip na sumuko, bumunot pa ng baril ang suspect at pinaputukan ang mga pulis.

Nakuha sa kamay ng suspect ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at isang caliber .38 na baril.

Arestado naman ang mga kasama ng suspect na sina Renante Reyes at Cynthia Tiongson.

Ayon sa Abad Santos Police Community Precint, matagal nang nasa kanilang drug watchlist ang napatay na suspect.

Read more...