9 sugatan sa salpukan ng jeep at kotse sa Maynila

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsalpukan ang isang kotse at isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Taft Ave., Ermita, Maynila.

Siyam katao ang sugatan, kabilang ang pitong pasahero ng jeep, at mga driver ng dalawang sasakyan.

Kwento ng jeepney driver na si Bienvenido Tabale, dahan-dahan niyang binabagtas ang kahabaan ng Taft Ave. papuntang Quiapo nang bigla na lamang silang binangga ng isang Mitsubishi Galant na may plakang DTG-480.

Mabilis umano ang takbo ng driver ng kotse na si Rafael Gonzaga, na batay sa nakuhang identification card ay isang empleyado ng National Bureau of Investigation dahilan para salpukin nito ang jeep.

Sa lakas ng impact, sumadsad sa gutter ang jeep at nabuwal ang isang poste.

Dinala na sa ospital ang mga sugatan para lapatan ng lunas.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung nakainom ng alak ang driver ng kotse.

Read more...